Singer na si Neil Young idedemanda si Trump

0
25

Idedemanda ng singer na si Neil Young si U.S. President Donald Trump.

Irereklamo ni Young ang paggamit ni Trump sa kanyang kanta na “Rockin’ in the Free World at “Devil’s Sidewalk” sa kanyang kampanya para sa kanyang reelection sa Nobyembre ng taong ito.

Binigyang diin ni Young na hindi sya makapapayag na gamitin ang kanyang musika para sa anya’y ‘divisive, un-American campaign of ignorance and hate’.

Humihingi ng $150,000 na danyos si Young para sa kada kanta na ginamit sa pangangampanya ni Trump.