Singer, aktor na si Sonny Parsons pumanaw na

0
23

Pumanaw na ang 61 taong gulang na singer-actor Sonny Parsons.

Sa pahayag ng anak nito, inatake aniya sa puso ang actor dakong alas 10:00 ng umaga habang nasa charity drive kasama ang Law Enforcement Riders Association of the Philippines (LERAP) sa Tayabas, Quezon.

Kasunod nito, patuloy pang pinaguusapan ng pamilya ang mga detalye ukol sa libing nito alinsunod sa Islam rites.

Nakilala si Sonny o Jose Parsons Agliam Nabiula Jr., sa tunay na buhay noong dekada ’70 at ’80 nang mapabilang ito sa grupong ‘hagibis’ na syang nasa likod ng sikat na kantang  ‘katawan’ at ‘legs’.

Bukod pa rito, pumasok din sa showbiz si Sonny Parsons bago sumabak sa pulitika.