Singapore nagbigay ng mga medical supplies sa Pinas kontra COVID-19

0
25

Napasakamay na ng Pilipinas ang donasyong medical supplies ng Singapore para labanan ang COVID-19.

Mismong si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang tumanggap ng donasyon mula kay Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong tulad ng test kits at polymerase chain reaction (PCR) machine.

Nagpasalamat naman si Locsin sa tulong ng Singapore.

Una nang nag-donate ang China at South Korea ng ilang medical supplies sa Pilipinas para labanan ang COVID-19.