Sindikato posibleng nasa likod nang pagpatay kay Mayor Navarro

0
27

Kumpiyansa ang mga otoridad na sindikato ang nasa likod nang pagpaslang kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.

Ayon kay Cebu City Police Office Dir. Col. Gemma Vinluan, hindi government sanctioned ang nangyaring pananambang kundi posibleng criminal syndicate ang utak sa naturang krimen.

Aniya, alam mismo ni Navarro at ng mga kaanak nito na may grupo na nagpapadala ng death threats dito na mula sa Misamis Occidental.

Dagdag pa ni Vinluan, malakas din ang kanilang paniniwala na criminal gang ang nasa likod ng pagpaslang sa alkalde.

Matatandaang si Navarro ay pinagbabaril ng mga armadong lalaki matapos harangin ang convoy nitong nakaraang Biyernes, Oktubre 25.