Sindikato na nangidnap sa mga opisyal ng BIR buwag na

0
52

Nabuwag ng PNP NCRPO ang sindikato na pinaniniwalaang nasa likod ng pangingidnap sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Halos apat na lugar sa Caloocan, Marilao Bulacan at San Jose Del Monte City Bulacan ang sinalakay ng PNP NCRPO, PNP Region 3, highway patrol group at PNP anti-kidnapping group.

Nauwi pa sa engkuwentro ang pagsalakay sa isa sa mga hideouts ng suspeks na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga suspek na kinilalang si Leo Dela Fuente.

Ayon kay PNP NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, modus ng grupo na manghingi ng pera mula sa mga biktima at kanilang mga kaanak.

Sinabi ni Eleazar na may mga kasabwat silang mga AWOL na tauhan ng pulisya kaya’t kung minsan ay gumagamit sila ng uniporme ng pulis sa kanilang mga operasyon.

Nakumpiska sa mga hideouts ang iba’t-ibang uri ng baril, mga uniporme ng pulis at iba pang gamit.