Sharlene San Pedro sinagot ang akusasyon ng dating kasamahan sa Goin’ Bulilit na si Alexa Ilacad

Sharlene San Pedro sinagot ang akusasyon ng dating kasamahan sa Goin’ Bulilit na si Alexa Ilacad

by Powered by DWIZ
22 views

Sinagot na ni Sharlene San Pedro ang akusasyong ibinabato sa kanya ng dati niyang kasamahan sa Goin’ Bulilit na si Alexa Ilacad na siya ay nambubully.

Nagpahayag kasi si Alexa sa isang presscon ng pelikulang Santigwar nakaraang buwan na ‘di umano’y binubully siya nina Sharlene at Nash Aguas at ‘di umano’y siya ay pinagtutulungan ng dalawa.

Ayon kay Sharlene, kanyang ikinagulat ang sinabi ni Alexa na tinraydor nito ang kanilang pagkakaibigan dahil matagal aniya ang pinagsamahan nila sa Goin’ Bulilit.

Aniya, maaaring nasabi lang ito ng kapwa aktres marahil sa atensyong ibinibigay sa kaya ni Nash.

Sa huli, handa parin makipag kaibigan si Sharlene dahil hindi rin aniya ito nagtatanim ng sama ng loob.

0 comment

Related Posts