Sesyon sa Senado kanselado ngayong araw

0
50

Suspendido ang sesyon at pasok ng mga empleyado ng Senado ngayong araw.

Ito ay dahil sa mga saradong kalsada patungong Senado bunsod na rin ng pagbisita Ni Chinese President Xi Jinping ngayong araw.

Ayon sa liderato ng Senado, batay sa ipinalabas na traffic advisory, ala sais pa lamang ng umaga, sarado na ang mga kalsada patungong Senado.

Kaugnay nito kanselado na ang mga nakatakdang committee hearing at mga nakasalang na agenda sesyon ng Senado.

Una nang nag-anunsyo ng kanselasyon ng pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at publikong paaralan sa lungsod ng Maynila, gayundin sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Nagkansela na rin ng pasok sa mga korte sa Maynila ang Korte Suprema kabilang ang mataas na hukuman at Court of Appeals (CA).

(with report from Cely Ortega-Bueno)