Radio Philippines Network
Headlines National News

Service provider ng mga beep cards binalaan ng DOTr

Kinastigo ng Department of Transportation (DOTr) ang kumpaniyang AF payments na siyang system provider ng MRT at LRT gayundin sa EDSA busway.

Ito’y makaraang umalma ang nasabing kumpaniya na wala umano silang kikitain kung tatanggalin nila ang P80 charge sa pagbili ng beep cards ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, kung hindi aniya tatalima ang AF payments sa kaniyang utos na gawing libre ang ibinebenta nilang cards sa mga pasahero ngayong panahon ng pandemya ay posibleng kanselahin na lamang nila ang paggamit dito.

Una rito, inirereklamo ng mga pasahero ang P180 bayad para sa mga unang beses pa lamang bibili ng beep card kung saan, P80 rito ay para sa card habang P100 naman ay para sa load nito.

Magugunitang mahigpit nang ipinatupad ng DOTr ang “no beep card, no ride” policy sa EDSA busway bilang bahagi na rin ng cashless transactions ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya ng COVID-19.

Related posts

Mga opsyon para maiwasan ang giyera ng Pilipinas at China inilatag ni Carpio

Powered by DWIZ

Pulisya sa Metro Manila naka full alert status ngayong Semana Santa

Powered by DWIZ

Tulong pinansyal sa ilalim ng 4ps Act madadagdagan na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More