Home Headlines Senior citizens dapat exempted sa HOV policy sa EDSA—Pimentel

Senior citizens dapat exempted sa HOV policy sa EDSA—Pimentel

0

Umapela si Senador Koko Pimentel na i-exempt ang mga senior citizens sa high –occupancy vehicle o HOV policy sa EDSA.

Ayon kay Pimentel, kailangan na bigyan ng konsiderasyon ang mga mas nakatatanda para mas mabilis at mas madali nilang marating ang kanilang destinasyon.

Hindi naman aniya magiging malaking ang diperensya nito lalo’t maliit na porsyento lamang ng populasyon ng senior citizens kaya’t malamang na mas maliit na porsyento lamang nito ang gumagamit o dumadaan sa EDSA.

Una nang nagpasa ng resolusyon ang Senado sa pagpapatigil ng pag-iral ng HOV dahil hindi umano dumaan ito sa tamang konsultasyon at pag-aaral.

—-

 

 

 

Senior citizens dapat exempted sa HOV policy sa EDSA—Pimentel was last modified: August 17th, 2018 by Rianne Briones

Exit mobile version