Senior citizen representative sa bawat LGU councils isinusulong

Senior citizen representative sa bawat LGU councils isinusulong

by Powered by DWIZ
60 views

Isinusulong ni Senator Manuel “Lito” Lapid ang pagkakaroon ng senior citizen sectoral representative sa lahat ng local legislative councils.

Ayon sa Senador, nakapaloob sa kanyang isinusulong na batas o Senate Bill No. 1169 ang pagkakaroon ng mandatory sectoral representation ng mga senior citizen sa mga local government legislative councils sa mga barangay hanggang sa sangguniang panlalawigan.

Paliwanag ni Lapid, ito ay naglalayong mabigyan ng boses ang mga nakatatanda sa pagbalangkas ng mga lokal na ordinansa para naman sa kapakanan ng lahat ng matatanda sa bansa.

0 comment

Related Posts