Senator Go tinuldukan na ang ulat na umalis sa bansa si Pangulong Duterte

0
12

Tinuldukan na ni Senator Christopher Bong Go ang mga balita sa social media na ng may sakit ang Pangulong Rodrigo Duterte at ibinyahe ito sa Singapore.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng senador huwag magpapaniwala sa fake news dahil maayos ang kalusugan ng pangulo at wala itong sakit.

Kalakip nito ang larawan ng pangulo na kumakain kasama ang kanyang partner na Si Honeylet Avancena at anak na si Kitty patunay na nasa Davao City ang presidente.

Bukod sa larawan ay may inilabas ding video sa account ni Go kung saan nagsalita ang pangulo para patunayan na maayos ang kanyang kalagayan.

You can see clearly I have been in Davao all along, umiiwas tayo sa COVID-19 umiiwas tayo ng COVID. The (medical) admonition is to wash your hands, wear a mask, cover your eyes, and stay home that’s what I did. ani Pangulong Duterte