Senate, House of Representatives at SC nakakuha ng good public satisfaction ratings — SWS

0
41

Nakakuha ng “good” public satisfaction ratings ang House of Representatives, Supreme Court, at ang mga gabinete ng gobyerno base sa inilabas na bagong survey ng Social Weather Stations sa ikatlong kwarter ng taon.

Isinagawa ang survey mula September 15 hanggang 23 kung saan nakapagtala ang senado ng pinakamataas na score kumpara sa mga ahensya ng pamahalaan.

62% ng mga respondents ang nagsabing kuntento sila sa performance ng senado, habang 14% naman ang hindi sang-ayon at 23% ang undecided.

Ayon sa SWS, ang 7-point increase Senate’s net satisfaction ay bunsod ng pagtaas ng 13 points nito sa balance Luzon  at 12 points sa Mindanao, samantalang, bumaba naman ng 9 points sa Metro Manila at 1 point sa Visayas.

Sa pangkalahatan, nakakuha ang upper chamber’s ng +48 sa nakalipas na buwan, mula sa +41 noong June.