Senate hearing sa umano’y dayaan noong 2016 elections sinimulan na

0
47

Sinimulan na ng Senado ngayong araw ang imbestigasyon sa isiniwalat ni Senate President Tito Sotto III hinggil sa umano’y nangyaring dayaan sa nakaraang 2016 elections.

Isinagawa ang pagdinig ng Committee on Electoral Reforms sa pamumuno ni Senador Koko Pimentel.

Una nang sinabi ni Sotto na haharap sa pagdinig ang isang testigo na makapagbibigay aniya ng mahahalagang impormasyon na magpapalakas sa sinasabing iregularidad noong halaan.

Samantala hindi naman dadalo sa pagdinig ang nagbigay ng impormasyon kay Sotto at sa halip ang kanyang abogado lamang ang haharap dito.

Sinasabing, ayaw nang umuwi sa bansa ni dating Commission on Elections Chairman Andy Bautista dahil tiyak na madidin ito sa sinasabing dayaan noong 2016 elections.

 (Ulat ni Cely Bueno)