Saturday, May 18, 2024

Senado umapela sa MWSS na maglatag ng contingency plan

- Advertisement -

Umapela ang Senado sa MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System na mag-latag ng contingency plan upang matiyak na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, dapat ay mayroon ding pang-matagalan na plano ang MWSS para masiguro ang suplay ng tubig sa kalakhang maynila.

Aniya, nais lamang niyang matiyak na handa ang MWSS sakaling magtuloy-tuloy ang pag-dausdos ng lebel ng tubig sa Angat Dam at sakaling hindi maging matagumpay ang cloud seeding operation na ini-rekumenda ng PAGASA.

Kaugnay nito sinabi rin ng senador na nais rin niyang makita ang opisyal na listahan ng mga proyekto para sa suplay ng tubig para sa Kaliwa Dam Project.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -