Pangulong Duterte inatasan na sina Calida at Guevarra na pag-aralan ang kasong arbitration vs MWSS

0
50

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Solicitor General Jose Calida at Justice Sec. Menardo Guevarra na pag-aaralan ang kasong arbitration ng Maynilad laban sa MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Ito ay kaugnay ng pagkakapanalo ng Maynilad na maisama sa bayarin ng mga konsyumers ang corporate income tax.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inatasan din ni Pangulong Duterte ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na pag-aaralan ang lahat ng kontrata ng Maynilad at pinatatanggal rin aniya ang mga probisyon na posibleng makapinsala sa mga customers.

Una rito, inatasan rin ni Pangulong Duterte sina Solicitor Gen. Jose Calida at Justice Sec. Menardo Guevarra na pag-aaralan ang kontrata ng Maynilad sa gobyerno.