Senado inaprubahan na rin magdeklara ng national emergency, dagdag na kapangyarihan kay Duterte

0
8

Bago naman mag hating gabi ay inaprubahan na rin sa special session ng Senado sa botong 12-0  ang panukalang magdeklara ng national emergency at bigyan ng dagdag na kapangyarihan ang pangulo para tugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.

Kabilang sa mga probisyon ng bersyon ng senado ang kapangyarihan ng Pangulo na i-reshuffle ang savings ng executive department sa ilalim ng 2020 budget.

Binibigyan ng kapangyarihan ang pangulo na mag allocate ng cash, investments, at mga hindi pa nagamit na subsidies sa government corporations para tugunan ang COVID-19emergencies.

Nais rin ng Senado na gamitin sa paglaban sa covid 19 ang hindi pa nagagamit na special purpose funds.

Ayon kay senador pia cayetano, tinatayang nasa dalawandaang bilyong piso ang magagamit sa loob ng dalawang buwan upang mabigyan ng mula  lima hanggang walong libong piso ang  may labing walong milyong pamilya upang maka agapay sa epekto ng krisis dahil sa COVID-19.