34.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Sen. Trillanes nakauwi na ng kanyang tahanan

- Advertisement -

Nakauwi na ngayon sa kanilang bahay sa Antipolo city si Senator Antonio Trillanes.

Ito ay makaraang ipagpaliban ng Makati Regional Trial Court branch 148 ang pagdedesisyon  sa hirit ng DOJ na mag isyu ng warrant of arrest laban sa kanya sa halip ay nag-iskedyul pa ng hearing sa October 5.

Pasado alas diyes ng umaga nang umalis ng senado si Sen. Trillanes para umuwi na muna sa kanyang pamilya.

Itinuturing ni Trillanes na pansamantalang tagumpay ang hindi muna pagpapasya ng Makati RTC branch 48 sa hirit na alias warrant of arrest at hold departure order laban sa kanya.

Si Trillanes ay nagsimulang manatili sa Senado simula noong September 4 makaraang pawalang bisa ng pangulobg duterte ang amnestiya na ipinagkaloob sa kanya ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -