Sen. Pimentel naniniwalang di hahantong sa martial law ang sunud sunod na pagpatay sa mga local gov’t officials

0
60

Imposible ang alegasyon ng ilang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na posible umanong gamitin nito ang serye ng mga pagpatay laban sa ilang mga local government officials para magdeklara ng martial law sa buong bansa.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, hindi isasakripisyo ng administrasyong Duterte ang buhay ng ilan para lamamg makapagpatupad ng batas militar.

Iginiit ni Pimentel na hindi dapat paniwalaan ang aniya’y sobrang politically intringuing na analysis dahil hindi ganung klase ng tao ang pangulo.

Dagdag pa ni Pimentel, ang usapin sa serye ng pagpatay ay isang police matter na dapat na agarang malutas at tutukan ng PNP.

(with report from Cely Ortega-Bueno)