Sen. Go may pakiusap sa mga nagpapakalat ng fake news

0
17

….Quarantine your mouth,”

Ito ang naging bahagi ng pakiusap ni Senador Christopher “Bong” Go sa mga patuloy na nagpapakalat ng fake news sa gitna ng kinahaharap na krisis sa bansa dahil sa COVID-19.

Giit ng Senador, makadaragdag pa sa pangamba ng publiko ang anumang maling impormasyon na naipakakalat pa sa mga mamamayan.

Pinagmumukha aniya ng mga ito na walang ginagawa ang gobyerno para tugunan ang nararanasang krisis at nagiging mitsa pa ng pag-papanic ng mga tao.

Dagdag pa ni Go, sa halip na unahing magpost sa mga social media ng mga katanungan hinggil sa pagkilos ng gobyerno sa kasalukuyang sitwasyon, ay direkta na lamang na tumawag sa mga itinalagang hotlines ng pamahalaan.