DOH planong maglagay ng dedicated hospital sa mga rehiyon

0
14

Plano ng Department of Health (DOH) na maglagay din ng dedicated hospital sa mga rehiyon para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kapag naging epektibo ang ganitong sistema sa Metro Manila ay palalawigin nila ito sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Target anya nila na maging operations sa susunod na linggo ang UP-PGH at Jose Rodriguez Memorial Center bilang dedicated hospitals para sa COVID-19.