Angkas nanawagan ng tulong para sa kanilang mga drivers

0
28

Nanawagan ng tulong ang motorcycle-ride hailing app na Angkas para sa kanilang mga drivers sa Metro Manila na apektado ng Luzon-wide community quarantine.

Sa isang tweet ng Angkas, sinabi nito na kulang pa rin ang kanilang ibinibigay na tulong para sa halos 23,000 nilang drivers na napigilang bumiyahe dahil sa pagsuspinde ng mga transport vehicle services dala ng banta ng COVID-19.

Dahil dito ay nanawagan ng cash o in-kind donations ang Angkas para sa cash donation, maaaring magpadala sa pamamagitan ng bank deposits o online transfer sa accounts ng DBDOYC Inc. Sa BDO na may account number na OOO 380 256 339.

Maaaring ding magdeposito sa Unionbank sa account number na 001 550 001 088 at ipadala lamang ang proof of donation sa email address na alaga@angkas.com.

Maaari din magbigay ng inkind donations gaya ng canned goods, bigas, mga gamot, tubig, alcohol, sabon, face masks at hand sanitizers na maaaring ipadala sa pamamagitan ng Angkas padala.