Sen. Dela Rosa pumalag sa bintang ukol sa pagpapalaya sa mga nasa ilalim ng GCTA

0
19

Kinuwestyun ni dating BuCor o Bureau of Corrections chief na ngayo’y Senador Ronald Dela Rosa kung bakit sila ang nasisisi sa pagpapalaya sa mga dating preso sa ilalim ng GCTA o Good Conduct Time Allowance Law.

Ayon kay Dela Rosa, hindi aniya sila ang gumawa ng batas at hindi rin umano sila ang bumalangkas ng IRR o Implementing Rules and Regulations.

Inamin rin ni Dela Rosa na nilagdaan nya noon ang release order ng 120 henious crime convicts pero binatay ang pagpapalaya sa IRR ng GCTA.

Samantala, handa umanong makipagdebate ang senador kahit hindi siya abogado kaugnay sa naturang usapin.

(with report from Cely Ortega- Bueno)