Sen. Bato Dela Rosa nangakong mag iingat na sa ginagamit na termino sa pagsasalita

0
43

Nangako si Senador Ronald Bato Dela Rosa na lalong mag-iingat na siya sa mga bibitawang pahayag sa publiko sa mga susunod na pagkakataon.

Iyan ay matapos mabatikos si Dela Rosa makaraang sabihin nito na normal lamang na sumasablay ang mga pulis sa mga ikinakasa nilang operasyon kontra iligal na droga at may mga nagiging collateral damage dito.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang senador sa pamilya ng tatlong taong gulang na batang si Myca Ulpina na nasawi matapos gawing human shield ng kaniyang ama na target ng operasyon.

Idinagdag pa ni Senador Bato, hindi katanggap tanggap ang sinapit ng batang si Ulpina at wala ring sinuman ang magnanais na may madamay na inosenteng buhay dahil sa paglipol sa masasamang tao sa lipunan.