‘Self-help’ vs. COVID-19 apela ng Palasyo sa publiko

0
23

Umapela ang Malacañang sa publiko ng kooperasyon at “self-help” para labanan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat magkaroon ang bawat isa ng papel para mapigilan ang pagkalat ng virus sa bansa.

Giit ni Panelo, sa halip na pagdudahan ang kakayahan ng pamahalaan para tugunan ang banta ng sakit, mas mainam aniya na magtulungan na lamang ang bawat isa at suportahan at sumunod sa mga ipinapayo ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.