Seguridad sa promulgation ng Ampatuan massacre paiigtingin —PNP

0
23

Maghihigpit ng seguridad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Alinsunod ito sa kautusan ni PNP officer-in-charge Lt. General Archie Gamboa para sa nakatakdang pagbasa ng sakdal laban sa mga akusado ng Ampatuan massacre.

Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, tiniyak din ni Gamboa ang patuloy na paghabol at pagtugis ng pulis sa iba pang mga akusado sa malagim na krimen na nananatili pa ring at large

Una na ring inihayag ni NCRPO Director P/BGen. Debold Sinas na kanilang bibigyan ng security detail o escort si QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes at mga prosecutor mula sa kanilang tahanan patungo sa court annex. — ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)