Seguridad para sa SEA Games ipinatutupad na

0
14

Umaarangkada na ang preparasyon ng Philippine National Police (PNP) para sa seguridad ng lahat ng delegado na dumating at darating pa sa bansa sa paglulunsad ng SEA Games 2019.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, hindi kakayanin kung bibigyan ng escort ang bawat isa ang mga delegado ngunit nagtalaga na sila sa mga hotel na kanilang tinutuluyan maging sa mga ruta na kanilang dinadaanan upang matiyak ang seguridad nito sa bansa.

Dagdag pa rito, mahigpit rin na ipinatutupad ng PNP ang pagbabawal ng paggamit ng cellphones habang naka-duty upang hindi mawala ang pokus sa mga delegado.

Sa huli iginiit ni Banac na malaking kahihiyan sa bansa kung may mangyaring krimen o hindi maganda sa mga foreign delegates, kung kaya’t  todo alerto ang mga nakatalagang pulis sa bansa.

Ang napakahalaga nito ay wala pong mabiktima ng anomang street crime sa ating mga delegates, foreign visitors; meron lang dyan mawalan, manakawan ay malaking kahihiyan sa atin ‘yun,” ani Banac. — sa panayam ng Ratsada Balita.