Monday, May 6, 2024

Mga iniwang hangarin ni Robredo itutuloy — PNP

- Advertisement -

Ginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsibak kay Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, patuloy parin ang pulisya sa kanilang mandato na pagsasawata sa iligal na droga sa bansa.

Aniya, kanila paring tutuparin ang mga iniwang hangarin ng Bise Presidente gaya na lamang ng nais nitong pagtugis sa mga high value target, rehabilitasyon sa mga drug users at pagkakaroon ng centralized data sa mga iligal na droga at users.

Napakinggan natin ang ating Vice President Leni Robredo ang kanyang hangarin na talagang tugisan ang mga high value targets ng illegal drugs, of course, yung kanyang adbokasiya para sa rehabilitasyon ng mga drug users at yung mga pagkakaroon talaga ng centralized na data sa illegal na droga, lalo na yung mga drug users. So, yun naman ang mga iniwan na hangarin ng ating Vice President at ipagpapatuloy natin ito dahil magaganda naman itong lahat, para sa ikagaganda ng ating kampanya laban sa illegal na droga,” ani Banac.

Samantala, sapat na para sa PNP ang maiksing panahon na panunungkulan ni Robredo sa ICAD dahil marami silang natutunan at magsisilbi aniya itong inspirasyon para ipagpabuti pa ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Sapat na yun na makasama natin ang ating Vice President sa maikling panahon ay marami tayong natutunan sa kanya at ito ay magsisilbi sa atin na inspirasyon na para lalo pang pagandahin at lalo pang pagtibayin ang ating kampanya laban sa illegal na droga,” ani Banac. — sa panayam ng Ratsada Balita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img