Seguridad para sa huling araw ng bar exams sa UST mas paiigtingin pa

0
29

Mas paiigtingin pa ng Manila Police District (MPD) ang kanilang ilalatag na seguridad sa huling araw ng bar examinations sa University of Santo Tomas bukas.

Ayon sa MPD, inaasahan nilang muling dadagsa ang mga tagasuporta ng mga kumuha ng pagsusulit sa huling araw ng bar examinations.

Ito ay para sa tradisyunal na salubong sa mga bar examinees ng kanilang mga taga suporta, pamilya at kaibigan.

Kaugnay nito, paiigtingin pa ng MPD ang kanilang police visibility kung saan magtatalaga sila ng mga karagdagang tauhan sa loob at labas ng UST.

Mahigpit din ang pagpapatupad ng ilang mga ordinansa tulad ng liquor ban.