Seguridad para sa Feb 6 BOL plebiscite handa na

0
45

Kasado na ang seguridad sa ikalawang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Pebrero 6.

Una nang sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy ang ikalawang plebisito sa kabila ng nangyaring magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesman Col. Gerry Besana, nananatiling nakatutok ang militar sa peace spoiler tulad ng Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), NPA at iba pang grupong kontra sa BOL.

—-