Seguridad ng pamilya ng Maguindanao massacre victims hinigpitan pa —private prosec

0
14

Mas hinigpitan pa ang seguridad ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre na dadalo sa promulgation ng kaso bukas, Huwebes, ika-19 ng Disyembre.

Ayon ito kay Atty. Nena Santos, isa sa mga private prosecutor sa nasabing kaso.

Sinabi ni Santos na unti-unti nang nagsisidating ang pamilya ng mga biktima ng nasabing massacre para sa pagbaba ng hatol bukas sa Taguig City.

Tumanggi nang i-detalye ni Santos ang dagdag na seguridad na ibibigay sa mga pamilya na patuloy na nakatatanggap ng banta sa buhay.

Kasabay nito, tiniyak ni Santos na handang-handa na ang pamilya ng mga biktima ng massacre na marinig ang magiging hatol ng korte sa mga akusado partikular sa mga pangunahing suspek na ilang miyembro ng Pamilya Ampatuan.

Nagdarasal na lamang aniya silang makakamit na ng mga pamilya ang hustisya sa nasabing kaso.