33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Seguridad kay Judge Solis-Reyes hindi tatanggalin — NCRPO

- Advertisement -

Hindi tatanggalin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang itinalagang seguridad kay Quezon City Regional Trial Court branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Ito ay matapos ibaba nito ang hatol sa mga akusado sa Maguindanao Massacre case nakaraang Huwebes lamang.

Nilinaw naman ni NCRPO Acting Director Brigadier General Debold Sinas, na dalawa na lamang ang nakatalaga para sa seguridad ng hukom ngunit nagpapatuloy parin ang deployment ng mga patrol cars sa paligid ng tahanan nito.

Samantala, magugunitang hinatulang guilty ni Solis-Reyes ang mga pangunahing suspek sa Maguindanao Massacre kung saan ilan dito ay mula sa pamilya ng Ampatuan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -