Sec. Locsin Jr. tinawag na ‘moron’ si Davao Archbishop Valles

0
19

Tinawag na ‘moron’ ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si Catholic Bishop’s Conference of the Philippines President Davao Archbishop Romulo Valles.

Kasunod ito ng naging panawagan ni Valles na ipagdasal ni Vice President Leni Robredo kasunod ng pagkatalaga sa kanya bilang ‘drug czar’.

Sa pamamagitan ng Twitter, sinabi ni Locsin na kahihiyan sa simbahang katolika si Valles.

Dapat aniyang magpasalamat sa Pangulo ang obispo dahil kung hindi dahil dito ay mananatili lamang ang Pangalawang Pangulo sa mga retarded nitong mga tagapayo at sa tinawag niyang ‘ecclesiastical idiots’ na tulad ni Valles.