29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Sec. Bello ipinagtanggol mga pahayag ni Pangulong Duterte laban sa CPP

- Advertisement -

Ipinagtanggol ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay Bello, walang masama at normal lamang ang mga naging pahayag ng pangulo laban sa CPP-NPA, dahil nasa state of confilct ang gobyerno at rebeldeng grupo.

Dagdag pa ni Bello, hanggang hindi nagkakaroon ng peace agreement ang dalawang panig ay hindi rin hihinto ang pamahalaan sa pakikipag-laban sa mga ito.

Matatandaang, inatasan ni Pangulong Duterte ang militar na atakahin ang CPP-NPA kasabay nang pag-tanggi ng pamahalaan na sundin ang holiday ceasefire na idineklara ng mga rebelde.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -