SEA Games inilunsad na sa SBMA

0
32

Pormal nang inilunsad ang Southeast Asian Games sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sa pamamagitan ito ng ceremonial lighting ng SEA Games cauldron na pinangunahan ni SBMA Chairperson Wilma Eisma.

Ang SBMA gaganapin ang triathlon competition at iba pang events sa SEA Games.

Ang cauldron sa SBMA ay hiwalay sa P50-M cauldron sa New Clark City Sports Complex na una nang umani ng batikos.

Sa kanyang talumpati, inatasan nya ang mga tiga SBMA na tutukan muna ang bayan sa harap ng nakikita nyang mga pagbatikos at komentaryo sa sarili nilang cauldron.