Tuesday, May 7, 2024

SEA GAMES 2019 | MEDAL TALLY, DECEMBER 4

- Advertisement -

Please refresh page for updates.

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa may pinaka-maraming medalya sa 30th Southeast Asian Games. (as of 10AM).

Ito ay matapos humakot ng kabuuang 97 medalya ang team Pilipinas sa ika-apat na araw ng 2019 SEA Games.

Sa naturang bilang, 49 dito ang gintong medalya, 31 dito ang pilak na medalya at 17 ang tansong medalya.

Unang humakot ng gintong medalya ngayong araw ang Team Pilipinas  para sa obstacle course racing 400m team assist event.

Nasungkit din ng Team Pilipinas  ang gintong medalya para sa Obstacle Course Race 400m Team Relay event.

Samantala, pumapangalawa naman ang Vietnam na mayroon ng 75 medalya; 23 rito ang ginto, 27 ang pilak at 25 ang tanso.

Sinundan naman ito ng Malaysia na nasa ikatlong pwesto at Indonesia na nasa ika-apat na puwesto.

Samantala, nalampasan na naman ng Pilipinas ang bilang ng gintong medalyang nakuha nito sa 2017 SEA Games sa loob lamang ng dalawang araw.

Narito ang kabuuang medal tally (as of  10AM):

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img