This is a developing story. Please refresh page for updates.
Duguan ang ulo ng isang Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bahagi ng EDSA-Ortigas.
Ito’y matapos bugbugin ang SCOG personnel na kinilalang si Arvin Gabay ng isang driver ng bus at konduktor matapos umanong sitahin ni Abay ang driver dahil sa ‘overstaying’.
TINGNAN: Isang Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) personnel, duguan ang ulo matapos bugbugin ng isang bus driver at conductor sa Edsa Ortigas loading bay | via @MMDA pic.twitter.com/TPefwIVmSd
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 22, 2019
Agad naman rumesponde ang MMDA nang matanggap ang ulat dakong alas-8:20 ng umaga.
Nasa Medical City na ngayon si Gabay habang dinala naman sa Police Station 12 ang nambugbog na driver at konduktor.