Schedule sa pagsumite ng panukalang pondo sa kongreso nasusunod ng DBM

0
49

Nasusunod ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang schedule para maisumite sa kongreso ang panukalang budget sa susunod na taon.

Ayon kay DBM officer-in-charge Janet Abuel, target nilang maibigay sa kongreso ang proposed P4.1-T national budget sa mismo o isang araw matapos ang pagbubukas ng 18th congress at ika-apat na SONA ng pangulo sa Hulyo.

Sinabi ni Abuel, kanila ring isinusulong ang ganap na pagpapatupad ng cash based budgeting system sa susunod na taon mula sa kasalukuyang obligation based system.

Ito aniya ay bagama’t pinag-aaralan pa lamang nila ang transition para dito na nakadepende aniya sa magiging sitwasyon ngayong 2019.