SC pinapaliwanag ang DBM kaugnay ng petisyon ni Rep. Andaya

0
48

Pinag-papaliwanag ng Korte Suprema ang Department of Budget and Management (DBM) kaugnay sa petisyong inihain ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr.

Ito ay matapos muling ihirit ni Andaya na ilabas ng DBM ang pondo para sa ika-apat na bugso ng dagdag sahod para sa mga empleyado ng gobyerno.

Sa petisyong isinumite ni Andaya, hiniling nito sa Korte Suprema na atasan ang DBM na ilabas ngayong Enero ang pondo para sa dagdag sahod na ito.

Paliwanag ng mambabatas, noong Enero 15 pa dapat na tanggap ng mga empleyado ng pamahalaan ang dagdag sahod.

Una rito, sinabi ni Andaya na walang rason ang DBM upang hindi ipatupad ang ika-apat na bugso ng umento sa sahod.