Sasakyang ginamit ng suspek sa road rage incident narekober na ng PNP

0
46

Narekober na ng Philippine National Police Highway Patrol ang sasakyang ginamit ng suspect sa road rage incident sa Pampanga.

Matatandaan na sa isang na viral na video, isang sasakyang may plakang otso ang gamit ng isang motorista na nanakit ng kapwa motorista.

Ayon kay Chief Supt. Roberto Fajardo, PNP-HPG Director, nakuha ng Task Force Limbas ng PNP HPG ang sasakyan sa Quirino Highway novaliches quezon city sakay pa ang girlfriend ng suspek na si Jojo Valerio.

Gayunman, napalitan na ng plakang AVA 8781 ang plakang otso na nakitang nasa sasakyan nang mangyari ang road rage.

Maging ang kulay ng sasakyan ay napalitan na rin ng purong itim mula sa dating kumbinasyon ng itim at puti.

Ang plakang otso ay protocol plate na para lamang sa mga kongresista.

Una rito, nadakip na rin ang suspek na si Valerio subalit pansamantala itong nakalaya matapos magpiyansa.