Election ‘hotspots’ list posibleng madagdagan pa — PNP

0
51

Posibleng madagdagan pa ang listahan ng mga election hotspots ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos mabilang na rin sa nasabing listahan ang La Union dahil sa serye ng pananambang sa ilang mga lokal na opisyal sa naturang lalawigan.

Magugunitang napatay si Balaoan Vice Mayor Alfred Concepcion pati habang sugatan naman ang anak nitong si Mayor Aleli Concepcion habang nasawi rin si Supiden Mayor Alexander Boquing nuong isang buwan.

Ngunit paglilinaw ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, nasa kamay pa rin ng Commission on Elections (COMELEC) kung ito’y isasailalim sa kanilang kontrol ngayong papalapit ang 2019 midterm elections.

Nasa validation at security assesment pa rin aniya ang mga lugar na maituturing na election hotspot subalit tumanggi muna siyang isapubliko ito.