Friday, May 3, 2024

Korean language subject hindi mandatory—DepEd

- Advertisement -

Nilinaw ng Department of Education na hindi mandatory ang asignaturang Korean language sa grade 7 hanggang grade 12.

Ayon kay Education Usec. Anne Sevilla, karagdagan lamang ang Korean language sa limang wika na elective sa high school simula pa noong school year 2009-2010.

Maaari aniyang mamili ang high school students sa mga wikang Spanish, French, Niponggo, German, Mandarin at ngayon ay Korean bilang elective subject.

Kasabay aniya ng pagdami ng elective na dayuhang  lengguahe, ang pagpapalakas naman nila ng mga asignaturang Filipino at panitikan.

Iyan po ay atin pang pinapalakas o ine-enhance dahil iyan po ang medium of instruction natin. May mga subjects tayo na Filipino ang ginagamit for example ‘yung Filipino subject itself, Araling Panlipunan at ‘yung Edukasyon sa Pagpapakatao. Imposible na makaligtaan o iwanan ang Filipino dahil part naman ‘yan na kabaligtaran ng Korean na elective, ang Filipino at panitikan ay mga core subjects natin. Pahayag ni Sevilla

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img