31.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Sasakyang ginamit ng mga suspek sa pagpatay kay Vice Mayor Lubigan natagpuan na

- Advertisement -

Natagpuan na ng pulisya ang sasakyang ginamit umano ng mga pumaslang kay Trece Martires Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.

Ayon sa Philippine National Police Special Investigation Task Group Lubigan, narekober ang inabandonang kulay itim na Toyota Hilux sa Mabacao Pantihan Bridge sa barangay Tulay B. Maragondon Cavite kaninang alas-6:55 ng umaga.

Mismong ang mga taga-PNP Maragondon anila ang nakakita at nakakilala sa nasabing sasakyan na walang plaka at walang ring conduction sticker.

Magugunitang, inilarawan ang naturang sasakyan ng mga nakasaksi sa pamamaril kay Vice Mayor Lubigan sa bahagi ng Trece – Indang Road noong Hulyo 7.

 (Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -