28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Sample collecting booths para sa mass COVID-19 testing itatayo ng DOST

- Advertisement -

Nakatakdang magtayo ang Department of Science and Technology (DOST) ng mga sample collecting booths sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ito ay kaugnay ng ipinatupad na mass testing ng pamahalaan.

Sinabi ni Dela Peña, magiging katuwang ng DOST ang Department of Health (DOH) sa pagtatayo ng mga special collection booths sa bansa.

Gayunman, wala pa namang inilabas na karagdagang detalye ang kalihim hinggil sa mga napiling pasilidad na mapagkakalooban ng mga naturang collection booths sa mga susunod na araw.

Sa ngayon, nasa 132 specimen booths ang target na maitayo ng DOST sa buong bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -