Sampal para sa mga Pinoy kung papayagan ang UNHRC na imbestigahan ang drug war — Lacson

0
46

Isang sampal para sa mga Pilipino kung ituring ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson kung papayagan ang United Nations Human Rights Council o UNHRC na imbestigahan ang war on drugs at sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.

Ayon kay Lacson, mas makabubuti kung gagawa na lamang ang gobyerno ng isang komprehensibong ulat tungkol sa nangyari sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Aniya, maaaring gumawa ng ulat ang kahit anong ahensya ng gobyerno basta lamang tiyakin na ito ay may basehan.

Naniniwala rin ang senador na wala namang pressure kung hindi susundin ng gobyerno ang panawagan ng resolusyon ng UNHRC.