Sakit na pneumonia nangunguna pa rin sa dahilan ng pagkasawi ng mga batang Pilipino

0
12

Nangunguna pa rin ang pneumonia sa mga sakit na dahilan ng kamatayan ng maraming batang Pilipino.

Ayon kay Dr. John Ong, isang pediatrician, sa buong mundo ay umaabot sa 1.6 million na bata ang namamatay kada taon dahil sa pneumonia.

Kaya naman, pinaalalahanan ni Ong ang mga magulang na huwag kaligtaan ang pagpapabakuna sa kanilang mga anak lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Gayunman, dahil mayroon pa rin anyang pandemya, hindi tumatanggap ng walk in na pasyente ang mga klinika upang matiyak na hindi magkukumpol-kumpol ang mga pasyente.

So, the burden of disease like pneumonia is really high, like sa ating bansa. Actually ang pulmonya isang sakit sa baga, paano ba natin nakukuha ito? Parang COVID-19 lang din yan, ito’y nakakahawang sakit, droplets, kapag ang isang tao umuubo. Kapag ikaw ay naka-inhale ng mikrobyong ito at ikaw ay walang proteksyon, wala kang anti-body pwede kang magkasakit ng pulmonya,” ani Ong. — panayam mula sa Ratsada Balita.