Radio Philippines Network
Sports & Entertainment

Sagupang Pacquiao vs. Mcgregor gaganapin sa 2021

Muling nabuhay ang dugo ng mga Pinoy boxing fans matapos na magpost si reigning 8th World Champion at Fighting Senator Manny Pacquiao ng kanyang litrato sa social media.

Makikita kasi sa i-pinost nitong larawan na kasama ni Pacquiao ang kanyang Chief Trainer na si Buboy Fernandez na umanoy hudyat na handa na itong bumalik sa pukpukang pag-eensayo para paghandaan ang kanyang mega fight laban kay Mixed Martial Arts Superstar Conor Mcgregor.

Matatandaan kinumpirma kailan lamang ng kampo ni Pacquiao na makikipagtuos nga ito kay Mcgregor sa susunod na taon sa Middle East.

Samantala, ang malaking bahagi naman ng kikitain ng Pinoy Champ ay mapupunta sa pagtugon ng pamahalaang bansa sa COVID-19 pandemic.

Related posts

Sarah Geronimo inimbitahan sa Maguindanao

Powered by DWIZ

Korean actor na si Moon Ji Yoon pumanaw na

Powered by DWIZ

Basketball Superstar Jayson Castro malabong makapaglaro sa FIBA Basketball World Cup

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More