Isiniwalat ni Civil Service Commissioner Aileen Lizada sa nagpapatuloy na pagdinig ng house committee on good government and public accountability ang umano’y sabwatan sa pagitan ng PhilHealth at Civil Service Commission (CSC).
Ayon kay Lizada, inutusan sila mismo ni CSC Chairman Alicia Dela Rosa-Bala na huwag magbigay ng datos kaugnay sa mga kasong may kinalaman sa mga opisyal ng PhilHealth sa kahit anong uri ng imbestigasyon.
Giit pa ni Lizada, kaya niyang tindigan ang lahat ng kanyang isiniwalat sa mga mambabatas dahil ito aniya ang katotohanan.
Sa ngayon ay mayroon nang 19 na kaso ang PhilHealth na nakabinbin sa CSC kung saan karamihan sa mga ito ay pawang administrative cases.