Wednesday, May 8, 2024

Sa pag aaral 53 katao sa Baguio City namatay dahil sa sakit na cardio-vascular

- Advertisement -

Baguio City – Nananatili ang cardio-vascular disease, cancer, at sakit sa puso ang tatlong sanhi ng pangunaling kamatayan dito sa lungsod ng Baguio, ayon datus ng Baguio City Health Services Office.

Ayon kay CHSO medical officer Dra. Donabel Tubera-Panes, ang cardio-vascular disease, cancer, at sakit sa puso ay parehong may kaugnayan sa pagtatatrabaho ng puso na dahilan kung bakit an heart-related diseases ang pangunahing ikinamamatay ng mga residente ng lungsod ng Baguio.

Noong nakaraang taong 2022, may humigit kumulang sa 553 ang naitalang namatay dahil sa cardio-vascular diseases, 412 ang namatay dahil sa cancer, at 354 ang namatay dahil sa sakit sa puso o heart disease.

Ipinaliwanag ng naturang opisyal na ang cardiovascular disease ang pinagmumulan ng sakit sa puso(cardio) at ng blood vessels (vascular). Ang nasabing sakit ay ang pagmalfunction ng mga ugat na nagdadala ng dugo sa puso tulad ng aneurysm at atake sa puso dahil din sa cardiac arrest na ang dahilan ay ang hindi magandang pagbomba ng puso sa dugo sa mga ugat at mga arteries.

Maiiwasan ang iba’t ibang kaso ng cardio-vascular diseases sa pamamagitan ng pag iba ng lifestyle o nakagawian, diet, at ang pag-ehersisyo. Ganon din ang pag iwas o paghinto ng paninigarilyo dahil sa palalain nito ang nasabing sakit. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City PIO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img