34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Roque dumistansiya hinggil sa mga opisyal ng pamahalaan na tatakbo sa 2019

- Advertisement -

Dumistansiya si Presidential Spokesperson Harry Roque sa umuugong na balitang posibleng magtalaga na ng bagong tagapagsalita at special assistant to the president (SAP) si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw.

Kasunod ito ng pagtatakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa Oktubre 1 hanggang 5 para sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa mga nagpaplanong tumakbo sa May 2019 midterm elections.

Ayon kay Roque, wala pang natatalakay ang Malakanyang hinggil sa mga mababakanteng posisyon sa pamahalaan at kung sino ang mga posibleng pumalit sa mga opisyal na maghahain ng kandidatura.

Kasabay nito, iginiit naman ni Roque na wala pa siyang pinal na desisyon nang matanong hinggil sa kanyang plano para sa 2019 midterm election.

Batay sa ipinalabas na listahan ng PDP-Laban, kabilang sa pinagpipiliang mapasama sa kanilang lineup sa pagkasenador sina Roque at Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -