31.9 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Roque dumalo pa rin sa cabinet meeting kagabi

- Advertisement -

Dumalo pa rin si Presidential Spokesperson Harry Roque sa cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang, kagabi.

Ito ay sa kabila nang ulat na opisyal na itong lumiban sa kanyang trabaho bilang tagapagsalita ng pangulo.

Batay sa ipinalabas na larawan ng Malakanyang, makikitang kausap ni Roque sina Special Assistant to the President (SAP) Bong Go at Presidential Political Affairs Adviser Francis Tolentino.

Samantala, sinabi naman ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na walang inihayag si Roque sa kanilang cabinet meeting hinggil sa posibleng pagbibitiw nito sa pwesto.

Magugunitang, inanunsyo ni Roque noong nakaraang linggo na kanyang pinagiisipan kung mananatili pa sa tungkulin o magbibitiw sa pwesto para tumakbo sa halalan.

Gayundin kung tatanggapin ang alok na panibagong posisyon ni Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -